Saturday, July 31, 2021

Message of Senator Leila M. De Lima on the Celebration of the Solemnity of Saint Martha

Senator Leila M. De Lima attended the Holy Mass of Christian Burial for Dame Norma Villegas (Mother of Archbishop Socrates Villegas) on October 24, 2016 at the Diocesan Shrine of Saint Martha and San Roque Parish Church and venerated the image of Santa Marta de Pateros before her departure.

MESSAGE ON THE CELEBRATION OF THE SOLEMNITY OF SAINT MARTHA

    Today, I join the municipality of Pateros and all the devotees in celebrating the Solemnity of Saint Martha.

    Sa panahon na sinusubok ang ating katatagan ng mga panibagong hamon, nawa’y humugot po tayo ng lakas at pag-asa sa ating pananampalataya—na kasabay ng ating pagsisikap na makabangon at tuluyang makaahon, ay nariyan lagi ang gabay at pagpapala ng Mahal na Panginoon.

    To the people of Pateros and devotees of Saint Martha, let us continue to invoke her intercession for us in these trying times. May she champion us in seeking for the Lord’s never-ending protection from the COVID-19 pandemic, for His shower of blessings for the people of Pateros, and for His continued guidance to our church leaders and beloved countrymen.

    Like Saint Martha who offered her heart in serving our Lord, may we find the same joy in our hearts as we offer our service to God through one another. Gayundin sana sa ating mga kabataan, na sa modernong panahon ay marami nang pinagkakaabalahan at pinagmumulan ng impormasyon at opinyon, nawa’y patuloy kayong kumapit sa ating Poong Maykapal na siyang tunay na bukal ng liwanag at kaalaman, sundin ang Kanyang mga dakilang aral at kalooban, bilang mga susunod na pinuno at tagapagtaguyod ng isang maka-Diyos, makatotohanan at makatarungang lipunan.

    Finally, may I request that you include in your prayers the true state of our country and the welfare of our people.

    Again, my warmest greetings to all!

(SGD.) LEILA M. DE LIMA

Wednesday, July 28, 2021

Message of the Vice President of the Philippines on the Second Reopening Anniversary of Oratorio de la Patrona

MESSAGE

Greetings to Oratorio de la Patrona as you celebrate your second reopening anniversary on the Solemnity of Saint Martha!

Indeed, the pandemic has changed our way of living. But after almost 2 years of struggling, we remain positive because amid the hurdles, we can survive. Our challenges may have doubled, but also has our faith and confidence in our Lord. Ganito po ang mga Pilipino: Sa harap ng napakarami at napakabigat na pagsubok, lalong tumitindi ang pananampalataya sa ating Panginoon at pagtitiwalang hindi tayo pababayaan ng Poong Maykapal.

As you celebrate another year, I hope that you continue to put your faith in our Lord as dutifully as Saint Martha has laid her trust in our Almighty God. Napakarami pa ang haharapin natin bilang isang bayan at napakalayo pa ng tatahakin natin patungo sa pagbangon, ngunit gaya ng turo ni Saint Martha, hindi tayo dapat nag-aalala, bagkus ay ipag papasa Diyos ang ating mga mabibigat na dalahin. To the young devotees, I pray that you continue to dive into getting to know more about the service of Saint Martha offered her people, and may you emulate her light as you serve your respective communities. Together, let us move towards building a more compassionate, equitable, and truly better normal that every Filipino deserves.

May you have a meaningful celebration. Mabuhay kayong lahat!

(SGD.) LENI ROBREDO

Sunday, July 11, 2021

Mga Relikya ni Santa Marta sa Pateros


May dalawang piraso ng buto ni Santa Marta mula sa Roma na pinipintuho sa Bayan ng Pateros. Makikita ang unang relikya sa paanan ng dambanang imahen (mula kay Padre Estelito Villegas) na nakaluklok sa binyagan ng simbahan at ang ikalawang relikya sa Oratorio de Santa Marta de Pateros sa Barangay Aguho.

Ang first class relic ay nagmula sa katawan ng isang santo at ang second class relic naman ay mga ginamit ng santo sa panahon ng kanyang buhay. Makikita ang first at second class relic nina Santa Marta, San Roque, at iba pa sa Oratorio de la Patrona.

Ang third class relic ay mga bagay na pinahid sa first o second class relic. Ang Oratorio de la Patrona ay namamahagi ng ganitong uri ng relikya:
  1. Piraso ng tela na pinahid sa libingan ni Santa Marta sa Tarascon, Pransiya noong 2014. Ito ay may kasamang certificate of authenticity dahil sa limitadong bilang nito.
  2. Piraso ng lumang damit ng imahen na pinahid sa relikya ni Santa Marta sa Oratorio de la Patrona.

Ang third class relic ay nakadikit sa isang estampita o maliit na larawan na may panalangin kay Santa Marta de Pateros. Ito ay libre ngunit may donasyon para sa pagpapadala nito. Sa mga nais humingi, sumulat lamang sa oratorioph@gmail.com o Facebook page ng Oratorio de la Patrona.

Sunday, July 4, 2021

Panalangin kay Santa Marta


O maluwalhating Santa Marta, alagad ni Hesukristo at tagapagtangkilik ng mga tahanang Kristiyano, yamang ikaw ay naging uliran ng kahinhinan, kasipagan, at pag-ibig sa Diyos, at sapagkat ikaw ay naging mapalad na maging panauhin sa iyong banal na tahanan ang Gurong si Hesus at ang kanyang mga Apostoles, marapatin mo nawang matamo namin ang biyayang mahalin ng Panginoon tulad ng pagmamahal niya sa inyong magkakapatid na Lazaro at Maria. Gawin mo nawa, na tulad sa iyong tahanan, na magkaroon ng tunay na pag-ibig at pagsunod sa mga utos ng Diyos sa aming tahanan, at upang sa ganitong mapayapang pamumuhay ay matamo namin ang kapalaran na makapiling mo sa kaluwalhatian ng langit. Amen.

(Magdasal ng isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.)

℣. Santa Marta, tagapagtangkilik sa kagipitan, sa kahirapan, at sa kalumbayan ng buhay,
℟. Ipanalangin mo kami.

Revised from a prayer attributed to Don Joaquin Tuason
Nihil obstat: Fr. Loreto N. Sanchez, Jr., S.Th.L. (July 20, 2023)