Sunday, July 11, 2021

Mga Relikya ni Santa Marta sa Pateros


May dalawang piraso ng buto ni Santa Marta mula sa Roma na pinipintuho sa Bayan ng Pateros. Makikita ang unang relikya sa paanan ng dambanang imahen (mula kay Padre Estelito Villegas) na nakaluklok sa binyagan ng simbahan at ang ikalawang relikya sa Oratorio de Santa Marta de Pateros sa Barangay Aguho.

Ang first class relic ay nagmula sa katawan ng isang santo at ang second class relic naman ay mga ginamit ng santo sa panahon ng kanyang buhay. Makikita ang first at second class relic nina Santa Marta, San Roque, at iba pa sa Oratorio de la Patrona.

Ang third class relic ay mga bagay na pinahid sa first o second class relic. Ang Oratorio de la Patrona ay namamahagi ng ganitong uri ng relikya:
  1. Piraso ng tela na pinahid sa libingan ni Santa Marta sa Tarascon, Pransiya noong 2014. Ito ay may kasamang certificate of authenticity dahil sa limitadong bilang nito.
  2. Piraso ng lumang damit ng imahen na pinahid sa relikya ni Santa Marta sa Oratorio de la Patrona.

Ang third class relic ay nakadikit sa isang estampita o maliit na larawan na may panalangin kay Santa Marta de Pateros. Ito ay libre ngunit may donasyon para sa pagpapadala nito. Sa mga nais humingi, sumulat lamang sa oratorioph@gmail.com o Facebook page ng Oratorio de la Patrona.

No comments:

Post a Comment