O maluwalhating Santa Marta, alagad ni Hesukristo at tagapagtangkilik ng mga tahanang Kristiyano, yamang ikaw ay naging uliran ng kahinhinan, kasipagan, at pag-ibig sa Diyos, at sapagkat ikaw ay naging mapalad na maging panauhin sa iyong banal na tahanan ang Gurong si Hesus at ang kanyang mga Apostoles, marapatin mo nawang matamo namin ang biyayang mahalin ng Panginoon tulad ng pagmamahal niya sa inyong magkakapatid na Lazaro at Maria. Gawin mo nawa, na tulad sa iyong tahanan, na magkaroon ng tunay na pag-ibig at pagsunod sa mga utos ng Diyos sa aming tahanan, at upang sa ganitong mapayapang pamumuhay ay matamo namin ang kapalaran na makapiling mo sa kaluwalhatian ng langit. Amen.
(Magdasal ng isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria, at isang Luwalhati.)
℣. Santa Marta, tagapagtangkilik sa kagipitan, sa kahirapan, at sa kalumbayan ng buhay,
℟. Ipanalangin mo kami.
Revised from a prayer attributed to Don Joaquin Tuason
Nihil obstat: Fr. Loreto N. Sanchez, Jr., S.Th.L. (July 20, 2023)
No comments:
Post a Comment