Saturday, August 7, 2021

Panalangin kay San Roque


Si Roque ay isang pangkaraniwang mamamayan lamang na nagbuhat sa isang mayamang angkan at isinilang ng may mapulang krus sa ibabaw ng kanyang sikmura. Naulila siyang lubos sa gulang na dalawampung taon at bilang pagtalima sa tagubilin ni Hesukristo, sa kanyang tagasunod, lihim niyang ipinamahagi ang kanyang kayamanan sa mga mahihirap. Nagsuot manlalakbay at nagtungo sa Roma. Dito inialay niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mga may sakit hanggang siya ay nahawa. Siya ay nag-isa at pinagkalooban ng isang aso na nagbigay ng tinapay at nag-alaga sa kanya. Si Roque ay nagpapagaling sa may sakit at maraming ipinamalas na himala. Siya ay nabilanggo ng limang taon dahil sa maling paratang sa kanya. Sa loob ng limang taon ay nagdanas siya ng maraming hirap at sakit sa bilangguan. Isang araw napansin na nagliliwanag sa loob ng bilangguan at nakitang patay si Roque. Sa gawing ulunan ay nakita nila ang isang pirasong tabla na nakasulat ay ganito: “SINO MANG ABUTIN NG SALOT AY TUMAWAG SA AKING ALIPING SI SAN ROQUE AT IPAG-AADYA KO, ALANG ALANG SA KANYA.”

PANALANGIN KAY SAN ROQUE
O Dakilang San Roque, ipag-adya mo kami, idinudulog namin mula sa awa ng Diyos; sa pamamagitan mo, maiangat nawa ng aming mga katawan sa mga nakakahawang sakit, at ang aming mga kaluluwa sa nakamamatay na kasalanan.
Alalayan mo kami na magamit ng tama ang aming kalusugan at batahin ang mga paghihirap ng may tiyaga; at sa pamamagitan ng iyong halimbawa ay amin din tamasahin ang kaligayahang iyong nakamit sa bisa ng iyong mabuting kaugalian.
Gamot, biyaya ng langit sa lahat ng sakit nasa iyo mahal na San Roque, mediko ng lahat ng salot at karamdaman.
(Tahimik na ipanalangin sandali ang sariling kahilingan)
O Mahal na Patrong San Roque, ipanalangin mo kami.
Amen.

No comments:

Post a Comment